Lalo pang tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nakikipag-asawa sa mga foreign national, batay sa datus ng Commission on Overseas Filipinos (CFO).
Noong 2022, nakapagtala ang naturang opisina ng kabuuang 6,854 mga Pinoy na nakipag-asawa sa mga foreign national.
Ito ay mas mataas ng 40.1% kumpara sa 4,891 na naitala noong 2021.
Sa mahigit 6,800 na naitala noong 2022, kabuuang 2,808 dito ay mga Pinoy na nakipag-asawa sa mga US citizen, at 555 ay sa mga Austalian. Ang nalalabi ay mga Canadian, German, at mga Japanese.
Kabuuang 6,191 dito ay mga babae at karamihan sa kanila ay mula sa National Capital Region (NCR), sinundan ng Calabarzon (Region 4-A), Central Luzon, at Central Visayas.
Batay pa sa datus ng naturang ahensiya, karamihan sa mga Pinoy na nakapag-asawa sa ibang mga bansa ay nakilala ang kanilang partner sa pamamagitan ng personal introduction.
Ang iba sa kanila ay sa pamamagitan ng trabaho, referral ng mga kamag-anak, internet, at mga ads.