Pumalo na sa mahigit 20,000 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroon bagong karagdagang 153 na kaso ang naitala nila mula sa mga Filipino na nasa ibang bansa.
Dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng kabuuang 20,090 ang mga Filipino sa ibang bansa na dinapuan ng COVID-19.
Paglilinaw ng DFA na ang pagtaas ng nasabing kaso ay tumaas din ang bilang ng mga naiuulat na kaso sa Asia at sa Pacific region.
Sa nasabing bilang ay mayroong 12,073 na mga Filipino sa ibang bansa ang gumaling na sa COVID-19 habang mayroong 6,819 ang kasakuluyang nagpapagaling at mayroong 1,198 na ang nasawi.
Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga bansa kung saan mayroong mga Filipino.