Bumaba sa 1.62 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa Pilipinas noong Hunyo ng taong kasalukuyan base sa inilbas na panibagong datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong araw, Agosto 7.
Sa isang press briefing, iniulat ni National Statistician at PSA USec. Claire Dennis Mapa na mas mababa ito kesa sa naitalang 2.11 milyong Pilipino na walang trabaho noong Mayo 2024 at 2.23 million noong June 2023.
Ang bilang ng walang trabaho noong Hunyo ay nagpapakita ng 3.1% na unemployment rate noong Hunyo na mas mababa kung ikukumpara sa 4.1% na naitala noong Mayo at 4.5% na nairehistro noong Hunyo 2023.
Samantala, bumuti naman ang employment rate sa bansa noong Hunyo na tumaas sa 96.9%, mas mataas ito sa naitalang 95.9% noong Mayo 2024 at 95.5% noong June 2023.
Sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho nasa 50.28 million noong June 2024. Mas mataas ito sa bilang ng may trabaho noong May 2024 na nasa 48.87 million at 48.84 million noong Hunyo 2023.