Nadagdagan ang bilang ng mga lugar na apektado ng tagtuyot sa Pilipinas bunsod ng El Nino phenomenon.
Ayon sa state weather bureau, tumaas sa 31 ang namonitor na nakakaranas ng tagtuyot kung saan 19 dito ay sa parteng Luzon.
Kabilang ang lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Rizal at Metro Manila.
Sa Visayas naman, apektado ng tagtuyot ang Antique, Biliran, Bohol, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Occidental, Negros Oriental at Samar.
Habang tanging ang Lanao del Norte naman ang probinsiya sa Mindanao na nakakaranas ng tagtuyot.
Posible naman ayon sa state weather bureau na magtagal pa ang epekto ng El Nino hanggang sa susunod na buwan.