Bumaba na ang bilang ng mga reklamo na natatanggap ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) kung saan halos 99 percent ang ibinaba.
Ang mga reklamong atatanggap ng CITF ay sa pamamagitan ng mga text messages at tawag mula sa mga complainants.
Ayon kay PNP CITF chief PSSupt. Jose Chiquito Malayo nasa 10,381 na mga text messages na mga reklamo laban sa mga kapulisan ang na kanilang na review at nasa 1,535 dito ay mga reklamo sa mga police personnel.
Ipinakita ni Malayo sa mga media ang isang “graphic table” kung saan makikita na talagang bumaba ang bilang ng mga complaints na kanilang natatanggap laban sa mga pulis.
Bagamat bumaba ang bilang ng mga complaints, kailangan pang trabahuhin ng CITF ang nasa higit 1,500 policemen na sangkot sa ibat ibang mga iligal na aktibidad.
Sa ngayon ongoing na ang imbestigasyon sa mga ito at naghahanap na lamang sila ng ebidensiya laban sa mga ito para maikasa na nila ang entrapment operation.
Dagdag pa nito na sa nakalipas na 12 buwan sa pag operate ng CITF nasa 60 na mga police scalawags ang kanilang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa ibat ibang iligal na aktibidad.
Habang 65 iba pa ang sinampahan ng administrative cases.