-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nadagdagan pa ng 48 ka mga miyembro ng kapulisan sa Davao region ang nag-positibo sa covid 19.

Sinasabing nadagdag sa nasabing bulan ang ilang miyembro ng RMFB 1104th at Davao del Norte Police provincial office.

Base sa record ng Police regional office 11, nasa 1,395 na ang naitalang kumpirmadong covid cases sa rehiyon hanggang kahapon.

Samantalang nasa 1,344 na mga PNP personnel ang naka-recover na sa virus.

Sinabi rin ng PRO-11 na malaking tulong ang pagbakuna laban sa Covid-19 sa mga
PNP personnel dahil wala silang naitalang matinding sintomas at parehong mild cases lamang.

Nasa 9,459 rin na mga PNP personnel o 98.13% na ang nakatanggap ng first dose ng covid 19 vaccines at aabot rin sa 7,604 ang mga fully vaccinated.

Habang nasa 180 o 2.37% na lamang na mga miyembro ng kapulisan ang hindi pa nabakunahan sa kasalukuyan.