-- Advertisements --
simcard

Umabot na sa 28 million ang bilang ng mga rehistradong SIM card sa bansa batay sa ulat ng Department of Information and Communication Technology.

Ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy, nagpapatuloy pa rin ang SIM card registration sa bansa at patuloy ang kanilang paglilibot sa mga liblib na lugar.

Inimbitahan na rin ng Kalihim ang ilang network provider na sumama sa kanila na magsagawa ng registration sa mga urban areas dahil mataas ang bilang ng mga nagpaparehistro dito.

Tinuturuan din nila ang mga barangay official sa mga liblib na lugar upang masiguro na kahit umalis na sila ay maituturo pa rin sa kanilang mga residente ang proseso ng SIM registration.

Pakinggan natin ang parte ng naging pahayag ni Department of Information and Communication Technology Sec. Ivan John Uy

Batay sa datos ng Department of Information and Communication Technology ay humigit kumulang 150 milyong SIM card ang inisyu ng mga naglalakihang telecommunication companies

Hindi rin ikinakaila ng kalihim na mayroon pa rin ng bumibili ng SIM card , tulad ng mga scammer na isang bes lang ginagamit ang mga naturang card at pagkatapos ay itinatapon na ito.

Sa kasalukuyan aniya ay hindi nila alam kung ilang SIM card sa 150 milyon ang itinapon pagkatapos na gamitin ng isang bes.

Paliwanag pa nito na mahigit o mas mababa sa 120 milyong SIM card ang maiiwan na kailangang irehistro sa kani-kanilang network provider.

Matatandaan na ipinatupad ang Implementing Rules and Regulation ng SIM Card Registration Act noong Disyembre 27 ng nakaraang taon matapos ang panukala ay nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong Oktubre ng nagdaang taon.

Ang naturang batas ay nag-uutos sa lahat ng Public Telecommunication Entities (PTEs) naitatag ang kanilang platform upang makapagrehistro ang kanilang mga user na mayroong valid identification card.

Binibigyan ng batas na ito ang mga users ng 180 days na palugit upang irehistro ang kanilang SIM card at upang hindi ito ma deactivate.