Tumaas sa 1.1 milyon ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada ng National Capital Region (NCR) mula 2013 hanggang 2023.
Ayon sa Congressional Policy and Budget Research Department na ang average ng annual daily traffic ay tumaas ng 3.6 milyon sa 2023 mula sa 2.5-M noong 2013.
Nanguna ang Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon na mayr pinakamataas na pagtaas sa trapiko na mayroong 237,577 na sasakyan noong 2013 ay mayroong 407,988 noong 2023 o pagtaas ng 71.7 percent.
Tumaas din ang bilang ng mga motorsiklo ng 286.5 percent dahil sa nauso ang mga delivery riders at motorcycle taxis.
Tumaas ang bilang ng mga bumili ng tricycles ng 33,397 noong 2023 mulas a 231,141 noong 2013 habang bumaba ang nakabili ng kotse sa bilang na 1.7 milyon noong 2023 mula sa dating 1.73 milyon noong 2013.