Tumaas ang bilang ng mga sasakyan na naitala sa mga lansangan sa Pilipinas batay sa datos na inilabas ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. at Truck Manufacturers Association.
Ito ay dahil na rin sa mga nagsidatingang bagong stock ng sasakyan at patuloy na promosyon ng mga local manufactures ng sasakyan sa Pilipinas.
Batay sa data , pumalo sa kubuuang 39,542 units ng sasakyan ang nabenta noong buwan ng September.
Mas mataas ito kumpara sa 39,155 units na naibenta noong Agosto at mas mataas rin kumpara sa mga sasakyan na naibenta sa parehong buwan noong nakalipas na taon.
Patuloy naman na nakakapagtala ng mataas na sales ang mga kilalang kumpanya ng sasakyan sa Pilipinas.
Mabenta rin ang mga commercial vehicles, passenger car, Asian utility vehicles (AUVs), light commercial vehicles, light-duty trucks at bus, medium-duty trucks at bus at heavy-duty trucks at bus.