Umaabot na lamang sa 354 katao ang stranded sa ilang mga pantalan, batay sa monitoring ng Philippine Ports Authority.
Batay sa report ng ahensya, binubuo ito ng 342 pasahero mula sa Bicol Port Management Offices (PMO), at 12 sa PMO Masbate.
Kagabi(Sept2) ay iniulat ng PPA ang hanggang sa 1,435 stranded passengers mula sa maraming mga PMO tulad ng Masbate, Quezon, Bicol, Western Leyte, at National Capital Region North office.
Habang noong alas-12NN ng September 2 ay mayroong naitala na 1,980 stranded passenger, habang nasa kasagsagan noon ang pananalasa ng bagyong Enteng.
Gayonpaman, ilan sa mga una nang na-stranded ay tuluyan ding nakauwi matapos bumuti ang lagay ng panahon.
Patuloy namang inabisuhan ng PPA ang mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa mga operator/management ng mga passenger boat/passenger ship na kanilang sasakyang pauwi bago tumulak patungo sa mga pantalan.