Umabot na sa 180 ang mga nabawas na mga pasaherong na stranded sa pantalan kasunod ng pananalasa ni bagyong ‘Kristine’.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA).
Ayon kay PPA spokesperson Eunice Samonte, mayroon paring mga hindi bumabyahe sa lugar ng Bicol, Palawan,Negros Occidental, Bacolod at Zamboanga na siyang nagdudulot ng stranded sa ilang mga pasahero.
Sa kabilang banda, namahagi naman ng mga pagkain ang ahensya para sa mga pasaherong na stranded.
Batay sa contingency measures ng ahensya iminungkahi nitong magbibigay sila ng assistance, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pasaherong ma i-stranded.
Inaasahan naman ng PPA na dadagsa ang halos nasa 1.6 million na pasahero sa mga pantalan sa pagsalubong ng Undas sa Nobyembre sa susunod na linggo.
Samantala, sinabi naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala nang stranded na mga pasahero sa airports, kahit sa mga apektadong lugar noong kasagsagan ng bagyong ‘Kristine’.
Ayon pa sa ahensya ang mga nanatiling cancelled flights ay dahil na umano sa iba’t-ibang isyu ng airline.