VIGAN CITY – Nagsama-sama ang mga bumbero sa lalawigan ng Ilocos Sur upang magdonate ng dugo sa tulong ng Bombo Radyo Vigan at Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Fire Supt. Bonifacio Carta, naisipan umano nitong bumuo ng kanilang sariling Blood Letting Activity dahil narin sa pakikinig ng Bombo Radyo Philippines sa maganda nitong hangarin na makatulong sa mga nangangailangan ng dugo.
Hindi umano ito nagdalawang isip na makipag-ugnayan sa Bombo Radyo Vigan para maisagawa ang Dugong Bombo sa kanilang hanay.
Nasa 67 ang total successful blood donors sa nasabing blood letting activity kung kayat’t aabot na sa 433 ang total successful blood donors mula sa mga limang bayang napuntahan ng Bombo Radyo Vigan para sa Dugong Bombo 2021.