-- Advertisements --

Tinatayang hindi bababa sa 72 na katao ang naitalang sugatang matapos ang nangyaring pambobomba sa isang unibersidad sa Marawi City noong linggo lamang ng umaga.

Ang pambobomba ay naganap kasabay ng isang misa na isinagawa sa isang gymnasium ng MSU.

Ayon sa Office of the Civil Defense, sa nasabing bilang , lima rito ang kasalukuyang naka confine sa Amai Pakpak Medical Center.

Dalawa naman dito ay inilipat sa Misamis Oriental Hospital at Iligan City; 12 ang ipinasok sa Mindanao State University (MSU) Infirmary Clinic; habang ang 53 ay pinalabas na.

Una ng iniulat ng mga kinauukulan na apat na indibidwal ang nasawi sa pagsabog.

Batay sa datos, aabot sa 15,746 ang naapektuhan ng pagsabog.

Inihatid na rin sa kani-kanilang mga tahanan ang aabot sa 893 mag-aaral mula sa naturang unibersidad.

Ito ay sa tulong na rin ng kanilang mga Local Government Units.

Ayon naman sa OCD, stable na ang sitwasyon sa lugar ngunit nananatili pa rin ang takot sa mga apektadong indibidwal.

Sinabi ng naman Armed Forces of the Philippines nitong Lunes na ang insidente ay posibleng isang retaliatory attack kasunod ng matagumpay na neutralisasyon ng militar sa mga lokal na teroristang grupo sa Mindanao.

Tiniyak din ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner na malabong maglunsad ng katulad na pag-atake ang mga terorista sa Marawi siege noong 2017 dahil lumiit ang bilang nila.