-- Advertisements --
Hindi bababa sa 31 na indibidwal ang naitalang sugatan matapos ang tumamang magnitude-5.8 na lindol sa bahagi ng San Francisco, Southern Leyte noong Enero 23.
Ito ay batay sa pinakabagong datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Aabot na rin sa mahigit tatlong daan na mga kabahayan ang napinsala habang anim dito ang naitalang totally damaged dahil sa pagyanig.
Sinasabing tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na mayroong lalim na 11 kms.
Batay sa data ng NDRRMC, walang naiulat na nawawala o nasawing indibidwal dahil sa lindol.