-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Umakyat na sa 150 ang bilang ng mga miyembro ng Maute-ISIS group ang boluntaryong sumuko sa militar sa Marawi City.
Ayon kay 103rd Infantry “Haribon†Brigade commander Army Col. Romeo Brawner, isinailalim na sa “Returnee Reintegration Program” ang mga sumukong terorista.
Aniya, pinakamarami sa mga sumuko ang nagmula sa Butig, Lanao del Sur.
Dala ng mga ito sa kanilang pagsuko ang iba’t ibang klase ng mga baril.
Umaasa ang opisyal na madagdagan pa ang nasabing bilang dahil sa patuloy na pagpupursige ng militar na mapuksa ang nagpapatuloy na recruitment activity ng mga Maute-ISIS group sa Mindanao.