-- Advertisements --

Nakitaan ng Department of Tourism (DOT ) ng pagtaas ng kita ng mga hotel industries sa bansa.

Sinabi ni Tourism Secretary Cristina Frasco nangangahulugan lamang ito ng pagbangon ng tourism sektor mula sa COVID-19 pandemic.

Sa nasabing paglakas ng hotel industries ay nakapagtala ito ng 1.45 milyon na trabaho para sa mga Filipinos.

Kumpiyansa din ito na kayang maabot ng DOT ang target nilang 7.7 milyon na international tourist arrivals ngayon taon.