-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Lalo pang lomobo ang bilang ng mga turista sa Isla ng Boracay sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix delos Santos na simula noong Disyembre 23 hanggang noong araw ng Pasko ay manageable pa ang buhos ng mga turista na may 6,000 tourist per day, subalit simula Disyembre 26 hanggang 27 ay dere-deretso na ang pagsidatingan ng mga bakasyunista na may average na 8,000 na turista bawat araw.

Noong ikalawang linggo aniya ng Disyembre ay naabot na nila ang 2 million mark ng tourist arrivals lagpas sa kanilang target na 1.8 milyon ngayong 2023.

Ito umano ang ikatlong pagkakataon na naabot nila ang dalawang milyon na turista na naitala noong 2017, 2019 at ngayong 2023.

Sa kasalukuyan ay mas marami ang pumapasok na turista kaysa sa lumalabas na pinapaniwalaang mananatili hanggang sa New Year’s eve celebration.

Dahil dito, 80 to 90 per cent na ang occupany rate ng mga hotels at resorts sa Boracay sa selebrasyon ng Bagong Taon lalo pa at may inaabangang bonggang fireworks display.