-- Advertisements --

DAGUPAN CITY –Tumaas ang bilang ng mga turistang bumisita sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito mismo ang ibinida at ibinandera ni Maria Luisa Elduayan, ang Provincial Tourism Officer ng lalawigan.

Ayon sa opisyal, sa apat na probinsyang nakapaloob sa Rehiyon Uno, ang Pangasinan ang nangunguna sa mga may mataas na bilang ng tourist arrivals.

Nakakatuwa umano na sa dami ng pweding mapasyalan, ang probinsya ang mas pinipili ng mga ito na puntahan.

Sa katunayan pa umano ayon kay Elduayan, taong 2018 ng pumalo sa mahigit 9 million na bilang ng mga turista ang nagtungo sa Pangasinan.

Nanguna umano sa kanilang pinasyalan ay ang sikat at pamosong Minor Basilica of our Lady of Manaoag sa bayan ng Manaoag, sunod ang Hundred Islands National Park sa syudad ng Alaminos, Hilltop Adventure sa bayan ng Balungao, Sunflower Maze ng Tayug, Sky plaza sa Natividad, at mga beaches at falls sa Bani at Bolinao.

Kaugnay naman nito, sinabi ni Elduayan na nananatili ngayon bilang isang malaking hamon ang naturang usapin sa lahat ng mga Local Government Unit o LGU’s sapagkat kinakailangan umanong ibigay ng mga ito ang pangunahing pangangailangan ng mga turista.