-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Muling tumaas ang bilang nga mga turistang nagbakasyon sa Isla ng Boracay nitong Oktubre 1 hanggang 15, 2022.

Batay sa record ng Malay Tourism Office, kabuuang 65,427 ang mga turistang bumisita sa pamosong isla mula Oktubre 1 hanggang 15, kung saan may pagtaas ng 7,640 kumpara sa kaparehong period noong Setyembre na nakapagtala lamang ng 57,787.

Karamihan pa rin sa mga bakasyunista ay mga local tourists na mayroong 55,658, habang ang mga dayuhang turista ay umabot sa 8,725 samantalang ang overseas Filipino workers (OFWs) ay nasa 1,287.