-- Advertisements --
Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Mayo.
Ito ang lumabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).
Isinagawa ang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2 kung saan ang mga walang trabaho ay umaabot na sa 12.2 milyon na mas mababa ito kumpara noong Nobyembre na mayroong 12.7 milyon ang walang trabaho.
Nauna ng umabot sa record-high na 45.5 percent noong Hulyo ang walang trabaho.
Ang face-to-face interview survey ay kinabibilangang ng 1,200 adults mula Luzon, Metro Manila, Visayas at Mindanao.