-- Advertisements --

Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho at mga underemployment sa bansa.

Sa inilabas na Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 4.5 percent ang pagbaba ng mga walanng trabaho noong Oktubre na mas mababa kumpara noong 2018 sa parehas din na buwan na mayroong 5.1 percent.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis S. Mapa, na ang bilang mga walang trabaho ay bumaba ng 2.05 million noong Oktubre mula sa 2.2 million sa parehas na buwan noong 2018.

Tumaas din ang bilang ng mga Filipino na mayroong trabaho na mayroon ngayon sa 43.2 million mula sa dating 41.3 million sa parehas na buwan.

Ito na ang pinakamababang bilang ng underemployment at unemployment ng bansa mula pa noong 2005.

Tumaas naman ang bilang ng mga underemployed ng 5.62 million mula sa 5.5 million noong 2018 na ang dahilan nito ay dahil sa labor population.