-- Advertisements --

Bumaba ang unemployment rate sa bansa nitong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na mula sa dating 7.7 percent noong Hunyo ay naging 6.9 percent na lamang ito nitong Hulyo.

Isa sa itinuturuong dahilan ng PSA ay ang pagluwag na ng gobyerno ng restrictions.

Katumbas ito ng 3.1 milyon na mga indibidwal sa bansa ang walang trabaho na may edad 15 pataas.

Ito ang itinuturing na pinakamababa unemployment mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020.

Nanguna ang Metro Manila na may malaking improvement sa unemployment mula sa dating 14.4 percent noong Abril ay naging 9 percent na lamang ito.

Sa kabilang dako naman nito ay tumaas ang bilang ng underemployment rate na mula sa dating 14.2 percent ay naging 20.9 na ito.