-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong nakaraang Abril.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na umakyat ng 8.7 percent ang nawalan ng trabaho noong Abril mula sa 7.1 percent noong Marso.
Katumbas ito ng 4.14 milyon Filipinos ang walang trabaho mula sa dating 3.44 milyon na jobless individulas noong Marso.
Ang nasabing bilang aniya ay mas mababa pa sa naitalang 17.6 percent na walang trabaho noong kasagsagan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine noong Abril 2020.
Nanguna ang National Capital Region na mayroong mataas na bilang ng walang trabaho na umabot sa 14.4 percent na sinundan ng region 4-A o CALABARZON.