-- Advertisements --

Itinanggi ni Housing Secretary Eduardo del Rosario na binawasan ang naitalang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong 2013.

Sa pagsalang ng kalihim sa makapangyarihang Commission on Appointments, sinabi ni Del Rosario na dati ring executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na batay sa isinagawang validation ng mga local government units, pumalo sa mahigit 7,500 ang bilang ng mga casualties.

“I can say it straight to anyone’s eyes there was no instruction to downgrade the number of deaths. If I remember it right, it’s about 7,500 and this is based on the validation on the ground by the LGUs,” wika ni Del Rosario.

Giit din ni Del Rosario, walang nag-utos sa kanila na bawasan ang bilang ng mga namatay sa pananalasa ng bagyo.

“It’s accurate in as far as we are concerned. There was no instruction to downgrade the number of casualties,” dagdag nito.

Batay sa report ng NDRRMC, nasa kabuuang 6,300 indibidwal ang namatay, mahigit 28,000 ang sugatan, at mahigit 1,000 ang naitalang patay.

Gayunman, hindi kumbinsido si An Waray Partylist Rep. Florencio “Bem” Noel sa sagot ni Del Rosario.

“Taga-doon po ako. It’s definitely not less than 10,000,” ani Noel.