Ilan lamang sa mga dahilan kung bakit posible na ang pag-alis ng public health emergency sa panahon ng pandemya ng COVID-19 sa loob ng taon ay ang mas kaunting bilang na naoospital at mahinang pagkalat ng variant ng Omicron.
Ito ay ang binigyang diin ng isang health expert na si Dr. Rontgene Solante sa naganap na pagpupulong.
Aniya, ang karamihan sa mga kaso ng COVID-19 na iniulat kamakailan ay mabagal ang paglobo kumpara sa mga nakaraang taon.
Dagdag ni Solante, karamihan sa mga pasyente na naospital ay mula sa vulnerable population tulad ng mga matatanda at mga may dati nang kondisyong medikal kung saan, kakaunti na lamag ang mga naoospital dahil sa naturang nakakamatay na sakit.
Kung matatandaan, idineklara ng World Health Organization ang coronavirus outbreak bilang isang public heath emergency ng International concern noong January 30, 2020, at pagkatapos ay bilang pandemic noong Marso sa parehong taon.