Nasa 4% na lamang umano ang positivity rate sa bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus sa Pilipinas.
Ayon sa OCTA Research Group, pasok naman ito sa benchmark ng World health Organization bagamat bahagyang mas mataas ito kumpara sa 3.2 % positivity rate na naitala ng DOH nitong nakallipas na Martes kung saan pumalo lamang sa 849 ang bagong COVID-19 cases sa loob ng isang araw, na pinakamababa naman mula noong December 28, 2020.
Nangangahulugan aniya ito ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David na sapat ang COVID-19 testing na sa ngayon ay patuloy na nakikita na bumababa ang bilang ng nagpopositibo sa sakit.
Maliban pa rito, bumaba naman ang 7-day average ng bansa ng hanggang 1,809 mula sa 2,005 na may 1 week growth rate na -10%.
Nasa 0.42 naman ang reproduction number o bilang ng nahahawaan ng COVID-19 sa buong bansa.
Payo pa rin ni Dr. David sa publiko na patuloy na sumunod sa minimum public health standards upang patuloy pa ang pagbaba ng COVID-19 cases.