-- Advertisements --
Tumaas pa sa 12 ang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa epekto ng bagyong Nika, Ofel at Pepito ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes.
Ayon sa NDDRMC, lima sa mga naitalang patay ay validated habang ang mga natitira naman ay patuloy pa ring biniberipika.
Nananatili pa ring 4 ang pinaghahanap habang 16 naman ang naitalang sugatan.
Samantala, sa kabuuan nasa 3.5 milyong indibidwal mula sa 34 na lalawigan ang apektado ng sunud-sunod na bagyo.