-- Advertisements --
Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga namatay na evacuee habang nagpapatuloy ang pag-alburoto ng Taal Volcano.
Pinakahuli rito ang isang Felina de Roxas, 57, ng San Pascual, Batangas.
Sinasabing inatake ito sa puso habang naglalaba sa evacuation center.
Nadala pa sa ospital ang biktima, ngunit kalaunan ay binawian na rin ng buhay.
Una rito, namatay noong Martes sina Ma. Teresita Valienye ng Talisay, Batangas dahil sa acute myocardial infraction at Danilo Toledo ng Taal, Batangas, dahil naman sa cardiac arrest.