Tumaas pa ang bilang ng mga naaresto at namamatay sa kampanya kontra sa iligal na droga ng pamahalaan.
Sa datos na inilabas ng Real Numbers Ph, simula noong December 31, 2018 nadagdagan pa ng 72 drug suspeks ang nasawi na sinasabing nanlaban sa mga pulis.
Dahil dito umaabot na sa 5,176 ang namamatay nang magsimula ang kampanya kontra droga noong July 1, 2016 simula ng Duterte administration.
Habang ang bilang ng mga drug suspek na naaresto ay umabot na ngayon sa 170,689 simula July 1, 2016.
Noong December 31, 2018 at hanggang January 31, 2019, nasa 3,554 drug suspeks ang naidagdag sa mga naaresto.
Ayon kay PNP spokesperson S/Supt. Bernard Banac, top priority pa rin sa kanilang operasyon ang pagrespeto sa human rights.
Samantala, aminado ang PNP, PDEA, NBI na malaking hamon sa kanila ang data na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa 7-8 million na ang mga drug users sa buong bansa.
Ayon kay Banac, kailangan pa nilang doblehin ang kanilang anti-illegal drug operations kung saan target ang mga supplier ng mga iligal na droga.