Umabot na sa 25 ang naitalang mga namatay sa malawakang pagbaha sa Visayas-Mindanao na dulot ng pag-ulan noong Christmas weekend.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at office of the civil defense, labing-anim sa mga naiulat na pagkamatay ay mula sa Northern Mindanao, limang nasawi ang naitala sa Bicol Region, habang ang Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula ay nagtala ng tig-2 ang nasawi.
Dagdag pa dito, may 26 pang katao na karamihan ay mga mangingisda ang nananatiling nawawala pagkatapos ng malawakang pagbaha.
Labindalawa sa mga nawawala ay mula sa Bicol, habang 11 ay mula sa Eastern Visayas at Dalawa ang nananatiling nawawala sa Northern Mindanao, habang 1 pang nawawalang indibidwal ay mula naman sa Zamboanga Peninsula.
Patuloy pa din ang isinasagawang search and rescue operations para sa mga naapektuhan ng pagbaha na dulot ng malakas na pag-ulan sa nasabing lugar.
Sa ngayon, humigit-kumulang P63.8 milyon halaga ng mga pananim, habang ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ay naka-pegged naman sa humigit-kumulang P20.8 milyon.