Umakyat sa 11 ang bilang ng mga naiulat na namatay mula sa magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Sarangani Davao Occidental noong Nob. 17.
Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, sinabi ng ahensya na kabilang ang isa mula sa Davao Region at 10 sa Soccsksargen.
Ang nag-iisang nasawi mula sa Davao Region ay na-validate na habang ang mga mula sa Soccsksargen ay patuloy pa ring sinusuri ng mga awtoridad.
Iniulat din ng ahensya na apat ang nasugatan dahil sa lindol na pawang mula sa Davao Region.
Sumasailalim pa rin sa kumpirmasyon ang 33 nasugatan na kung saan dalawa sa Davao Region at 31 sa Soccsksargen.
Nasa 19,146 na pamilya o 92,396 katao sa 122 barangay sa Davao Region at Soccsksargen ang naapektuhan ng lindol.
May kabuuang 6,629 na bahay ang nasira ng lindol, 6,297 sa Soccsksargen at 332 sa Davao Region.
Una na rito, umabot na sa P723.2 milyon ang kabuuang pinsala sa imprastraktura dulot ng pagyanig sa dalawang naturang rehiyon.