Umaakyat pa sa 703 ang bilang ng nasangkot sa aksdente sa kalsada noong nakalipas na holiday season.
Sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH) ngayong araw ng Lunes, Enero 6, nadagdagan pa ng 47 ang kaso ng Road Traffic Incidents ngayong araw.
Mas mataas ng 30.6% ang naitala ngayong January 2025 kumpara noong January 2024.
Sa kasamaang palad, umakyat din sa 8 ang nasawi mula sa kabuuang bilang ng mga naaksidente kung saan 5 dito ay sanhi ng motorcycle accident.
Karamihan sa mga naaksidente o nasa 603 ang hindi gumamit ng safety gears tulad ng helmet at seatbelt, nasa 497 naman ay dahil sa motorcycle accidents at 127 sa naaksidente ay nakainom ng alak.
Kaugnay nito, patuloy na paalala ng DOH sa publiko na palaging magsuot ng helmet o mag-seatbelt para maprotektahan ang sarili mula sa posibleng matinding pinsala.
Huwag ding gumamit ng cellphone habang nagmamaneho, sundin ang mga batas trapiko at road signage, huwag magmaneho kung nakainom ng alak at panatilihin ang disiplina sa kalsada para sa ligtas na biyahe.