Umabot na sa lima ang naitalang nasawi ng Department of Health ng dahil sa mga aksidente sa daan.
Kabilang na dito ang tatlong indibidwal na nasawi dahil sa pagkakasangkot sa aksidente sa motorsiklo.
Batay sa data ng Department of Health , nakapagtala ito ng bagong 39 na kaso ng aksidente sa kalsada dahilan para umakyat na sa 457 ang road accidents na naitala mula pa noong December 22.
Mula sa naturang bilang, 393 indibidwal dito ang naaksidente ng walang suot na safety gear habang ang 76 ay nagmaneho ng lasing o nasa ilalim ng impluwensya ng alak.
Nangunguna pa rin ang motorsiklo sa pinakamaraming bilang ng aksidente na umabot ng 322 na kaso.
Patuloy naman ang panawagan ng DOH sa publiko na huwag magmaneho ng lasing, tiyaking nasa maayos na kundisyon ang sasakyan bago bumyahe at sundin ang iba pang safety measures sa daan.