-- Advertisements --
image 420

Iniulat ng Department of Health (DOH) na lumagpas na sa 66,000 ang bilang ng nasawi dahil sa coronavirus 2019 (Covid-19) sa Pilipinas.

Sa data noong Pebrero 21 ngayong taon, nasa 66,039 pasyente ang naitalang namatay mula sa covid-19 simula ng tumama ang pandemiya sa bansa base sa covid-19 tracker ng DOH.

Ang lungsod ng Quezon ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng covid-19 related deaths na nasa 2,672. Sinundan ito ng Cebu na may 2,612 death cases, Bulacan na may 2,207 nasawi, Cagayan may 2,047 at sa Maynila na mayroong halos 2,000 death cases.

Matatandaan na naitala ang kauna-unahang pagkasawi dahil sa covid-19 noong Pebrero 2020 na isang 44 anyos na lalaki na dumating sa bansa mula sa Wuhan, China na sinasabing pinagmulan ng nakamamatay na virus.