Umabot na sa 28 ang bilang ng mga naiulat na nasawi dahil sa masamang panahon na dulot ng low pressure areas, Northeast Monsoon, at shear line mula noong Enero 1, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Giit ng ahensya, walo sa mga nasawi ang naiulat sa Zamboanga, tig-pito sa Eastern Visayas at Northern Mindanao, lima sa Bicol, at isa sa Davao Region.
15 lamang sa mga naiulat na pagkamatay ang nakumpirma sa ngayon habang ang iba ay para sa validation.
May kabuuang 1,397,296 katao o 347,105 pamilya ang naapektuhan ng sama ng panahon sa 1,930 barangay sa Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.
Sa apektadong populasyon, hindi bababa sa 155,854 katao o 38,108 pamilya ang nananatili sa loob ng 489 evacuation centers, habang 56,086 indibidwal o 17,616 pamilya ang nananatili sa ibang mga lugar.
May kabuuang 1,307 bahay ang iniulat na nasira, 935 ang partially at 372 ang kabuuang.
Naiulat ang pinsala sa agrikultura na nagkakahalaga ng P274,100,870 at sa imprastraktura na nagkakahalaga ng P171,555,996 dahil sa epekto ng sama ng panahon. Nag-ulat din ang National Irrigation Administration ng P25,610,000 halaga ng pinsala.
Kaugnay niyan, idineklara ang state of calamity sa San Miguel at Santa Fe sa Leyte; ang buong lalawigan ng Silangang Samar; Gandara, Basey, San Jorge, at Calbayog sa Samar; Laoang sa Northern Samar; Sirawai sa Zamboanga del Norte; at Tubod sa Lanao del Norte.
Una rito, nasa P74,237,891 milyon ang tulong na naibigay sa mga biktima sa ngayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).