-- Advertisements --

Umabot na sa kabuuan apat na indibidwal mula Luzon at Visayas ang nasawi dahil sa paputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Health.

Batay sa datos , ang isang biktima ay 44 anyos na lalaki mula sa mula sa Dagupan City , Pangasinan na nasawi matapos na sumabog ang isang 5-star sa kanyang ulo.

Ayon sa mga saksi , gumawa ang biktima ng improvise bombshell at ng sisilipin na sana nito ay bigla itong sumabog sa kanyang mukha.

Naisugod pa ito sa ospital ngunit kalaunan ay namatay rin dahil sa pinsalang natamo nito.

Ang pinakabatang nasawi dahil sa paputok ay 8 anyos mula sa San Fabian, Pangasinan.

Dalawang kaso naman ng ng indibidwal na nasawi ang naitala mula sa Cebu at ang pinakaunang naiulat na nasawi dahil sa paputok ay mula sa Nueva Ecija na isang 78 anyos na lalaki.