Tatlumpu’t limang katao na ang namatay dahil sa malawakang pag-ulan na dulot ng low-pressure areas (LPA) at sama ng panahon mula noong Enero 2, ayon sa pinaka-huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Karamihan sa mga naitalang pagkamatay ay mula sa Zamboanga Peninsula na may bilang na 12.
Ang Northern Mindanao naman ay may walong bilang, pito sa Eastern Visayas, at anim naman sa Bicol region.
Ang Rehiyon ng Davao at Soccsksargen ay nagtala rin ng tig-iisang pagkamatay.
Sinabi ng ahensya na 19 na ang nasawi ay na-validate na habang ang iba ay para pa rin ay kasalukuyang nasa proseso ng verification.
Bukod dito, 12 katao ang nasugatan habang pito ang nananatiling nawawala.
Liban nito, ang pinsala sa agrikultura ay umabot na sa P751.9 milyon habang ang pagkasira sa imprastraktura ay tinatayang nasa P276.7 milyon.