Umabot na sa 45 ang bilang ng mga naiulat na nasawi dahil sa masamang panahon mula Enero 1, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa bilang na ito, 20 na ang kumpirmadong habang 25 ang nasawi ay sinusuri,
Ayon sa ahensya, 25 ang bilang ng nakumpirma na at 20 ang nasa kasalukuyang proseso ng validation habang ang mga nasugatan naman ay nanatili sa bilang na 11.
Samantala, ang bilang ng mga nawawalang indibidwal, ay bumaba sa pito na may isang kumpirmado at anim para sa validation.
Sa pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, higit sa 518,000 pamilya o humigit-kumulang sa 2,000,000 na mga indibidwal ang apektado sa 14 na rehiyon.
Dagdag dito, ang pinsala sa imprastraktura ay tinatayang nasa P521 billion at umaabot naman sa P1.1 billion ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa low pressure areas, Northeast Monsoon, and shear line.
Una na rito, isinailalim sa state of calamity ang 86 na lungsod at munisipalidad na naapektuhan ng masamang lagay ng panahon.