Mayroon na ngayong 44 na naiulat na mga nasawi dahil sa masamang panahon na naramdaman sa maraming bahagi ng bansa mula noong simula ng taon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon sa pinakahuling ulat ng ahensya, 14 sa mga naiulat na namatay ay nasa Bicol, 12 sa Zamboanga, walo sa Northern Mindanao, pito sa Eastern Visayas, at tig-isa sa Mimaropa, Davao at Soccsksargen.
20 pa lamang sa mga naiulat na nasawi ang kumpirmado sa ngayon at ang iba ay bineberepika pa lamang.
Dagdag dito, walong katao naman ang naiulat na nawawala at 11 ang naiulat na nasugatan dahil sa epekto ng sama ng panahon na dulot ng low pressure areas, shear line, at northeast monsoon.
Idineklera na ang state of calamity sa 86 na lungsod at munisipalidad.
Una rito, mahigit P114.5 million na ang naipamahagi na tulong para sa mga biktima ng naturang kalamidad.