Sumampa na sa 23 ang bilang ng mga indibidwal na nasawi sa pananalasa ng 3 nagdaang mga bagyo at Habagat sa bansa.
Base sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Huwebes, nasa 9 ang napaulat na nasawi sa Mimaropa, tig-4 mila sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro at 2 mula sa Central Visayas. Lahat ng napaulat na nasawi ay isinasailalim pa sa validation.
Mayroon ding 12 katao ang napaulat na nawawala mula sa Mimaropa, 2 sa Zamboanga Peninsula at 1 mula sa Western Visayas.
Habang umabot na sa 15 indibidwal ang nagtamo ng injury dahil sa pananalasa ng mga bagyo.
Sa kasalukuyan, mahigit 1.061 milyong katao o halos 300,000 pamilya ang apektado ngayon sa13 rehiyon. Karamihan sa mga nasalanta ay mula sa Central Luzon na nasa mahigit 100,000 pamilya.
Kaugnay nito, nananatili pa rin ang nasa mahigit 18,000 pamilya sa mga evacuation center at nahatiran na ng mahigit P17 million na halaga ng relief assistance mula sa pamahalaan.