-- Advertisements --
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa malakas na 7.8 magnitude sa Turkey at Syria na may kabuuan ng mahigit sa 21,000 katao.
Ang mga kamag-anak na naiwan ng biktima ay naglalatag at may bitbit din na mga body bags upang hanapin ang mga nawawala nilang mahal sa buhay na naapektuhan ng malakas na pagyanig.
Dagdag dito, ang mga pagkakataong makahanap ng mga nakaligtas ay posibleng lumabo dahil, lumipas na umano ang 72-oras na marka na itinuturing ng mga eksperto na pinakamatagal na panahon upang magligtas ng buhay ang mga biktima.
Sa ngayon, marami na rin ang mga bansang tumutulong para sa mas mabillis na search and rescue operation sa nasabing bansa na niyanig ng nakamamatay na lindol.