Lumobo pa sa 20 ang bilang ng nasawi dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Enteng sa bansa.
Ito ay base sa datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw ng Sabado kung saan nadagdagan ito ng 4 mula sa naitalang 16 kataong nasawi kahapon.
Maliban dito, patuloy na pinaghahanap pa rin ang 26 na indibidwal na napaulat na nawawala habang 18 katao na ang naitalang nasugatan.
Sa kasalukuyan, apektado pa rin ang mahigit 2.3 milyong indibidwal o katumbas ng mahigit 600,000 pamilya.
Sa mga napinsalang kabahayan, umabot na ito sa 7,046 na naitala sa Ilocos Region, Central Luzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region.
Samantala, pumalo na sa mahigit P600 million ang iniwang pinsala pareho sa sektor ng agrikultura at imprastruktura ng nagdaang bagyo.