-- Advertisements --
Asahan pa na madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan.
Ito ay dahil mayroong mahigit 600 katao pa ang naiulat na pinaghananap at natabunan sa mga gumuhong minahan at gusali.
Sa kasalukuyan ay mayroong 10 katao na ang kumpirmadong nasawi at mahigit 1,000 ang nasugatan.
Hindi rin bababa sa 300 mga afteshocks ang naranasan kung kaya’t maraming mga residente ang nagtayo na ng tent sa labas ng kanilang bahay sa pangambang lumakas pa ang lindol.
Magugunitang maraming mga gusali at nagdulot ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente ang nasabing lindol nitong Martes ng umaga.