Tumaas na sa bilang na 32 ang bilang ng nasawi dahil sa epekto ng pag-ulan na dala ng shear line sa Visayas-Mindanao mula noong Christmas weekend ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Sa ulat ng ahensya, 18 ang nasawi sa Northern Mindanao, anim sa Bicol, apat sa Zamboanga, tatlo sa Eastern Visayas, at isa sa Caraga.
Kaugnay niyan, pito lamang umano sa mga naiulat na pagkamatay ang napatunayan o navalidate sa kasalukuyan.
Iniulat din ng NDRRMC ang 24 na nawawalang tao na tig-11 sa Bicol at Eastern Visayas, at tig-iisa sa Zamboanga at Northern Mindanao.
Dagdag dito, inihayag pa ng NDRRMC na hindi bababa sa 11 katao ang naiulat na nasugatan.
Una na rito, nakapagbahagi na ng aabot na sa P50 million ang NDRRMC para sa mga biktimang nasalanta ng nasabing malawakang pagbaha.