Pumalo na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na Wildfire sa Los Angeles County sa California.
Batay sa mga naging inisyal na report ng mga otoridad, walo sa naitalang fatalities ay mula sa Eaton Fire area habang lima naman ang naitala na mula sa Palisades.
Kinumpirma naman ni County Sheriff Robert Luna ang 11 sa mga nasawi at naganunsyo na 13 pa rin ang nananatiling nawawala at patuloy na hinahanap.
Samantala, pumalo na din sa bilang ng 180,000 na mga residente nang apekatado dahil sa wildfire at nananatili sa mga evacuation centers.
Ang danyos naman na natamo pagdating sa mga imprastraktura ay pumalo na 12,300 na mga kabayahan ang nasunog at iniwang abo na lamang na nasa halaga ng halos hindi bababa sa $10 million US dollars.
Patuloy naman ang mga otoridad sa pagapula sa sunog na siyang nagsimula noong Enero 7.