Halos kalahati ng Filipino adults o katumbas ng 27.3 million katao ang walang trabaho.
Ito ang lumabas sa mobile phone survey ng Social Weather Station noong Hulyo.
Sa isinagawang survery mula Hulyo 3 hanggang 6 pumalo na sa 45.5 percent ng mga adult labor force ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.
Mayroon itong pagtaas ng 28 point mula sa dating 17.5 percent noong Disyembre 2019.
Ito rin ay record high mula noong Marso 2012 na mayroong 34.4 percent.
Sa nasabing surey na 21 percent ng mga adult Filipinos ang nawalan ng kanilang trabaho o pagkakakitaan dahil sa COVID-19 crisis habang 21 percent din ang nawalan ng trabaho o pagkakakitaan bago pa lamang ang pandemic.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 17.7 percent ng unemployment rate sa buwan pa lamang ng Abril.