Bahagyang bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap noong huling kwarter ng 2023 base sa isinagawang Tugon ng Masa survey ng OCTA Research.
Sa naturang survey, aabot sa 45% Pilipino o katumbas ng 11.9 million households ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap sa naturang kwarter kumpara sa 12.1 million pamilya o 46% ang nagsabing mahirap sila base survey na isinagawa noong Oktubre 2023.
Ayon sa OCTA, ang 1 porsyentong pagbaba ay katumbas ng tinatayang 270,000 pamilya, na akma sa downward trend ng mga nagsabing mahirap sila na naobserbahan noon ikatlong kwarter.
Sa parehong survey, napag-alaman din n OCTA na nasa 14% ng pamilyang Pilipino o tinatayang nasa 3.7 million households ang nakaranas ng involuntary hunger sa nakalipas na 3 buwan.
Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 respondents sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula Disyembre 10 hanggang 14 ng 2023.