-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nakikipagpulong si Department of Health (DOH-10) regional director Adriano Suba-an sa lahat ng mga heads ng public at private hospitals sa buong rehiyon.
Ito ay upang malaman ng direktor kung ano ang kanilang naging preparasyon laban sa novel coronavirus scenario.
Ayon kay Suba-an, maliban sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC), inatasan ng kaniyang ahensiya ang mga bahay pagamutan na nasa level 1 at 2 na ihanda ang kanilang intensive care unit at isolation wards bilang pre-requisite ng kanilang akreditasyon.
Napag-alaman na umakyat na sa 11 ang bilang ng mga pasyenteng ino-obserbahan o patients under investigation (PUI) sa buong rehiyon dahil sa novel coronavirus.