LEGAZPI CITY- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mababa pa rin ang bilang ng mga nasuspindeng pasaway na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DSWD Bicol Director Arnel Garcia, sa 300,000 na 4P’s beneficiaries, 122 lang ang nasuspinde sa taong 2018 na bumaba pa sa kasalukuyang taon sa 54 na lang.
Batay sa tala ng ahensya, karamihan sa mga suspinde ang nahuling nagsusugal, umiinom ng alam, ginamit ang nakuhang pera sa pansariling interes at lumalabag sa iba pang mga guidelines ng ahensya.
Subalit iginiit ng opisyal na hindi pa direktang tinatanggal ang mga benepisyaryo dahil pansamantala lamang na sinususpinde ang mga ito at muling ibabalik sa programa sakaling magpakita ng magandang record.
Samantala, nanawagan din ang DSWD sa mga benepisyaryo na hindi pa nakakatanggap ng tulong-pinansyal na mahintay muna dahil may ilan pang inaayos sa payout.