-- Advertisements --

CEBU CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded passengers sa iba’t ibang pantalan sa lungsod at probinsiya ng Cebu.

Sa datos na nakuha ng Bombo News Team sa Cebu Port Authority, may 22 stranded na sa Pier 3 sa Cebu Baseport, 9 sa Pier 4, habang 235 naman sa Hagnaya Port at 55 naman sa Danao Port, ang lahat ay pumalo na sa 321 stranded passengers.

Ang mga nasabing pasahero ay pansamantala ng inilikas sa mga government evacuation center.

Sa fifth district naman ng Cebu Province ay may naitala na ring landslide partikular na sa upland area ng bayan ng Tudela, isla ng Camotes.

Maliban sa pagguho ng lupa ay wala ring kuryente ang lugar simula pa kahapon at hindi na rin pinahihintulotan ang mga mangingisda na pumalaot dahil sa malalaking alon.

Habang, sa Southern Cebu ay may mga naitala na ring pagguho ng lupa at pagtaas ng tubig baha sa iilang mga ilog sa iba’t ibang bayan.

Nang dahil sa mga naitalang landslides ay may mga kalsada na rin sa ngayon ang hindi na madaanan.

Gayunpaman, sa latest information, wala namang naitalang ‘casualty’ sa nasabing landslide.